Buy and Sell, Mas Ayos Talaga Dito!

“Kailangan ko na ng extra cash. Let’s see, ano kaya ang pwede ko ibenta?”

Ganito ako usually mag-isip especially pag kailangan ko ng extra cash. At simula pa nung college, malaking tulong sakin ang online buy and sell.

Mga cellphone, laptop, kotse ng mga kaibigan, camera, tripod, bags, shoes, toys, collectibles, shirts and books… Lahat na ata ng pwedeng maibenta online nasubukan ko na. Di ko na din mabilang sa dami!

Pero masasabi ko na the best experience is when a transaction doesn’t just end when the deal is closed, and just this month I’ve made 3 new friends because of AyosDito.ph.

I needed extra money for an upcoming trip and a new tripod for the Pyrolympics in MOA, so I opened my cabinet, checked my bookshelves and raided my collection. And I decided to sell the following items:

•    Punching mitts: Binili ko pero di ko nagamit
•    X-mini speakers: Used only for 2 months
•    Camera bag: Dahil kakabili ko lang ng bago
•    Stuffed toys: Regalo sakin pero di ko naman magagamit
•    Twilight books set: Pinapabenta ng friend ko
•    Angels and Demons book: Binili ko din pero di ginamit

So I took photos of my items and posted them on AyosDito.ph. The next day pa lang, inulan na ko ng inquiries. Soon after, may schedule na ko to meet up with buyers.

Madali lang makipag-coordinate sa mga buyers. First step, mag-negotiate at mag-agree sa presyo. Second step, mag-decide kung saan at kailan ang meet-up (make sure na safe young lugar). Wag kalimutang mag-update or follow up before the set date.

Sa meet-up, usually i-inspect lang ng buyer yung item. When he’s happy, done! And extra bonus if you both click and become friends after.

I got to sell 5 out of the 6 items in 2 weeks, kaya sakto. I had money to get a new tripod and extra for my trip. Panalo!

Here are two people I met and became my friends after I sold them my items. Si Francis, na mahilig din sa mga books at si Mitch, who’s a twilight fan.


Thank you Ayos Dito, mas Ayos talaga kayo!:) Hindi lang ako nagka extra cash nagkaroon pa ako ng mga bagong kaibigan.


Leave a Reply

  • (will not be published)